Tuesday, July 4, 2017

Bakit Mahirap Sabihin Ang "I Love You"







"I Love You" ang tatlong maiksing salita na para sa akin ay napakaimportante. Pero Bakit parang Mahirap sabihin ito sa iba? Minsan pa nga di mo masabi eh! They are the words that carry so much meaning and can be extremely hard to say to anyone.

Honestly, hindi nga ako masyado vocal sa parents ko na magsabi ng I love you, siguro it took me a long time para masabi ko sa kanila yun verbally. It's not that I didn't love my parents but I just didn't have the courage to say it.

Simula noon, I've said I love you sa mga malalapit kong kaibigan, family members at mga malalapit sa puso ko. But I still struggle in saying those words.

"I Love You" feels like a Promise.

Di bale kung sino man ang sasabihan mo ng salitang ito, makakaramdam ka ng isang Pangako. Pangako na committed ka sa tao with some reasons. Pangako na kaya mo silang suportahan at parang nagbibigay sa inyo ng kaligayahan sa isa't isa. Pero sabi nga nila diba, Promises are often broken? Ito rin siguro ang magpapaalala sa atin na ang salitang I love you rin ay nagdudulot rin ng sakit sa puso.


May mga  Pagkakataon na hindi ka makakarinig ng "I Love You Too" na sagot.

Napakasakit naman talagang magsabi ng I love you sa iba pero makikita mong tahimik lang at blanko ang mga mukha nila. Siguro para maiwasan ang ilangan kaya hindi natin ito nasasabi. Pero ang hindi alam ng karamihan kung bakit hindi tayo nakakarinig ng I Love You Too na sagot, hindi dahil sa hindi nila ito nararamdaman kundi hindi pa sila handa para sabihin ito.

Tinatanong natin ang sarili natin "Masyado Bang Maaga?"

Maraming dala ang salitang ito at ayaw rin naman natin magmadali. Oo, nararamdaman natin na mahal natin sila pero ayaw rin naman natin silang lumayo. Kaya minsan naghihintay nalang tayo na maunang sabihin ito ng tao sa atin o di kaya maghintay ng lakas ng loob sa sarili.

Ang salitang "I Love You" ay panandalian lamang.

Although umaasa tayo na ang salitang ito ay maging permanente, pero napakadalang mangyari. Ang daming humahadlang sa salitang forever: Kamatayan, break-ups, divorce, broken friendship at iba pa. Ang kakulangan ng siguridad na kaakibat ng salitang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan tayong masabi ito.

Kailan mo ng tamang panahon para masabi mo ito.

Walang duda naman talaga na kailangan mo ng tamang panahon para masabi mo ang salitang "I Love You". Kailangang ng tamang panahon para makilala mo ng lubusan ang isang tao na magdadala sayu para masabi mo sa kanya ang mga salitang ito sa mas simple at sa mas maayos na paraan.

Ang pagsasabi ng "I Love You" ay kailangan sabihin wisely. Meron itong kakahayahan na makakapagpabago sa iyo, nakakapagpangiti sa tao at nakakapagdulot ng saya sa pakiramdam. Huwag kang matakot sabihin ito ng buong puso!

Muli, I love you all! Hugs!






No comments:

Post a Comment